Thursday, July 21, 2011

Bathroom Confessions of a Dormer (Repost from Multiply)

I opened my multiply account just recently it was a bit bittersweeet to see how fast time flew and to see how I have grown as a person. I may not have changed a lot physically (haaah! same face pa rin :P) but I have matured emotionally. I have chosen a few posts I liked and hopefully, others liked too :)

One of the worst things you'll ever see in an all-male dormitory is the bathroom. Your first ever trip to this place will definitely be unforgettable. In fact, I'd like to share a few *random* experiences. By random, I mean something you wouldn't see in a normal bathroom.

Malamang gawa ng FS105 (Microbio na naka-focus sa food sanitation) ko na klase ang pagiging OC ko pagdating sa banyo. Pero siguro, kung mangyayari rin sa inyo ang mga to, baka hindi kayanin ng sikmura niyo... kaya kapag binabasa niyo ito, siguraduhin niyo lang na di kayo kumakain.

To begin, I live in a University Dormitory in U.P. Diliman... at hindi na ito Kalai.

At eto na ang top ten list ng weird things that happen in the bathroom:

#10 Tubig, tubig, asan ka na?
Imaginin mo, habang nagsashower ka, biglang namatay ang tubig. Ang problema ay kung may shampoo ang buhok mo! Yikes! Nakakainis ano? At nung mangyari sa akin ito, naghintay ako ng isa't kalahating oras bago sindiin ang tubig ulit! Buti na nga lang may ilaw!

#9 Crawling in my skin...
Alam niyo ba ang kanta ng Linkin' Park na Crawling? Malamang magandang theme song ito para sa banyo. Biruan niyo, habang ika'y naliligo, bigla ka na lang makakakita ng giant worm na gumagapang mula sa drain papunta sa dingding ng cubicle... at papalapit ng papalapit sayo! Who knows where kung saan nanggaling ang mga bulateng yun. Hindi naman kasi sila earthworms e... kulay itim at puti kasi...

#8 Labas at pasok
At dahil may isang cubicle na walang lock sa dorm... kaya lang yun ang may pinakamatinong shower so maraming nagtetake ng risk na maligo dun. Ang problema nga ay yun... walang lock! So imaginin mo na lang ang gulat naming mga nagtootoothbrush ng biglang may napasigaw mula sa cubicles. Yun pala, may pumasok dun sa cubicle habang nagsasabon yung guy dun sa loob. Buti na lang talaga, tapos na akong maligo nun.

#7 Under...covers
Kung kukuha ka ng tubig para sa timba mo, dadaan ka muna sa gripo ng labada. At doon ay makikita mo sina Mr. Hanford, Mr. Playboy, Mr. Bench, Mr. Walker at iba pa... Ang problem, kahit nalabhan na sila, merong mga hindi yata "napaliguan: ng maayos... Yung iba kasi may "libag" pa. Ang problema lang habang hinihintay mong mapuno ang timba mo, nakikipageye-to-eye ka muna sa kanila.

#6 Flush
How old are people living in the dorms? All I know is they are at least old enough to know that they need to flush the toilet after using them!

#5 I have two hands...
Kadiri di ba, na meron pa ring mga taong hindi marunong maghugas ng kamay pag katatapos lang nilang umihi... Yuck! At kung hinawakan mo ang flushers sa dorm, palagay ko ay dapat mo na ring i-alcohol ang kamay mo pagkatapos mong maghugas... but NO! Marami pa rin ang mga diretso labas ng banyo pagkatapos umihi... Kasi naman pala di naman daw nila hinawakan ang flusher ng bowl dahil di nila finlush ang ihi nila! :P

#4 Tsunami!
Kapag ika'y nasa loob ng cubicle, ipagdasal mo na sana ay hindi umalon ng malakas ang tubig na nasa paanan mo... dahil may 90% chance na hindi tubig ang inaapakan mo kundi ihi... o baka pinaghugasan ng puwit. Andami kasing naduduling pagdating sa pag-ihi yata. Di ata sila asintado!

#3 Hairy encounters
Ever heard of hair balls? We have hair monsters. I think they even breathe and swim. EEEWW! Imaginin mo kung saan-saan ka makakakita ng buhok... Di bale sana kung buhok galing sa ulo yun e. Ang madalas kasi, makikita mong buhok ay yung parang sa bunot... yung matigas... at patay...crinkly pa nga. At madalas na makikita mo sa may inodoro, sa may lababo, sa may labahan ng underwear, at sa may showers. Yung iba, parang nakikipagsubunutan yata habang umiihi sila... biruan niyo andaming naiiwan sa toilet bowl!

#2 two-ply
Imaginin mo, iihi ka sana. Tapos biglang humangin ng malakas. Susunod na alam mo, umuulan na ng tissue... but wait, bakit parang may kumain ng chocolate sa cubicle at ginamit ang tissue na nahuhulog sa iyo na pampunas ng bunganga. Then you realize na hindi lang naman chocolate ang bagay na brown na pwedeng pahirin kapag ika'y nasa banyo... EEEEWWWW!

#1 Toilet Blues
May isang message lang ako sa lahat ng nasa dorm ko... Don't seat like a frog. Seat like a queen... or king for that matter. Grabe lang ha! Imaginin mo kung bigla kang may makitang liquefied na digestion product sa may water tank ng bowl. In other words, bakit may jebs sa may flusher? Tumutulo-tulo pa! Yuck! Sana man lang di ba pinunasan na lang niya at least baka nasa number two lang siya ng listahan ko! Yuck yuck and yuck!

EEEEEEEEEEEEWWWWWWWWWWWWWWW!

No comments:

Post a Comment