Sunday, July 24, 2011

Banyo... Bow! (Repost from Multiply)

Isang buan pa lang ang nakaraang post ko tungkol dito pero may mga bago na naman akong "experiences" sa aming napakagandang banyo. Yep, masaya man sila o hinde, medyo entertaining pa rin kung hindi siya sa inyo nangyari. Kaya imaginin niyo, kayo ang nasa pusisyon ko.

1. Anak ng Linta!
Isipin mo na lang na nag-shower ka sa cubicle. Kaya lang kasi, noong pinatay mo ang tubig, biglang may mga gumapang mula sa drain. Yikes! Isang tropa ng linta pala. As in those blood-sucking, creepy, freaky annelids. Siyempre, madali ka na lang lumabas sa cubicle.

2. Duling ka Talaga!
Isipin mo, habang ikaw ay nakaupo sa loob ng cubicle, may pumasok sa kabilang cubicle para umihi. Ang pinagtatakahan mo lang, bakit parang nababasa ang mga paa mo e hindi mo naman pinaglalaruan ang tabo at timba mo. Tsaka mo napansin na nanggagaling sa kabilang cubicle ang "tubig" at narinig mong hindi nashushoot dun sa bowl ang ihi ng sinumang nandun. EEEEWWWW!

3. Sabi ng sit like a king e!
Pagkatapos mong kumuha ng tubig para panghugas mo sa pwet mo, siyempre, hahanap ka na ng cubicle. At napansin mong may nakaupo sa magkabilang dulo ng tatlong cubicle. Tumingin ka sa gitna at napansin mong wala namang paa. Kaya ng buksan mo ang cubicle, laking gulat mo ng biglang may tumulak sa pinto! Ayun, may nakaupo pala... parang palaka nga lang!

4. Brief Encounter
Bago ka maligo, nilalagay mo ang mga shampoo at sabon mo dun sa taas ng dingding ng cubicle para hindi sila mababad sa tubig. Ng kukunin mo na ang sabon mo, kinapa mo ang taas ng dingding.E mali pala ang nakapkap mo kaya laking gulat mo ng biglang mahulugan ka ng talong pirasong maruming underwear! YYYAAAAAAKK! Sana man lang, nilabhan na sana bago iniwan dun! Kaya lang kasi, hindi e!

5. Toothbrush blues
Nang ikaw ay magtutoothbrush na sana, nahulog ang toothbrush mo sa lababo. Ang problema, may something dun sa lababo. Ng kunin mo na ang toothbrush mo, tsaka mo nalaman na may naglabas ng isang baso ng sipon sa lababo at hindi man lang niya naisipang hugasan ng tubig! Itapon mo na lang ang brush mo!

6. Magtoothbrush ka na lang
May mga taong sadyang walang hiya lang talaga. Biruan mo, nasa banyo ka para makapagrelax habang naliligo ka ng biglang may kakanta ng mga J.J.-ish at rakista songs ng buong lakas! Ang problema, sintunado siya at nakakagising siya! Kaya daig pa niya ang pagkakanta ng mga balyena. At least ang sa balyena, graceful pakinggan. E kung yung sa kanya na lang, mas gugustuhin ko pang makinig na lang sa mag-asawang nagtatapunan ng plato... mas relaxing yun. Message ko sa kanya: "Magtoothbrush ka na lang!"

Anim na muna. Mag-iipon pa ako ng bagong experience.

No comments:

Post a Comment